SENATOR SOTTO’s PLAGIARISM – HOW IS IT A BIG DEAL?

Well, as we all know Senator Sotto is now AGAIN being scrutinized by this plagiarism or pangongopya, which I think started June or July of 2012 and started with him being against the RH Bill.

Well I think before we ever throw some stones with the Senator let me ask, don’t you even realize that there are a lot of greater problems this country has rather than put your effort on scrutinizing this one person just because he copied a certain blog for his speech.  Yes its wrong, pero sa dating nung mga taong nagsasalita or nag file against him.  Hinuhusgahan nyo na  buong pagkatao nya, as if you never did anything wrong yourself.  Tao lang tayo pare pareho, nagkakamali.  Sa mga Bloggers sa mga wordings nyo na inspire si Senator Sotto thats is why I think he may have copied some scripts from that because it could have been difficult to be explained if binago nya ang words for his Speech.

Napakalaki ba ng issue na yan, oo nga Senator cya pero anong ginagawa ng mga taong humuhusga sa kanya – feeling nyo makikilala na kayo if ever?..no..

Before sana kayo humusga tiningnan nyo muna mga sarili nyo sa salamin..Did you do this country a favor?  a BIG NO..pinarating pa sa US ang nangyari for what? para lalong maliitin ang mga filipino na mismong Senators natin may ginayang blogs? That is still Crab Mentality…

Hihilahin pababa ang isa para iangat ang sarili, question is umangat ba? or aangat ba? wish.

I hope that the person who made that big deal and send the news to the daughter of the late Kennedy will still be recognized by her when the time comes.

Yes Senator Sotto had a mistake but do you think you are the right one to judge him…can you ask yourself how many people have you helped?  Yung ginastos nyo dyan tinulong nyo kaya sa mga mas may kailangan..napakaraming charity dito na kapos na kapos dahil kulang sa pondo. naparaming bata at tao sa kalsada na hnd kumakain..kayo wala kayong magawa sa buhay nyo kundi intindihin ang ganyan? para masabing matatalino kayo..Big Deal ba yun?..

Kahit gano kataas ang tingin nyo sa sarili nyo merong taong sasapaw sa inyo.

Yang gagastusin ng Senado na naman para lang imbistigahan yan or kung ano man marami pang bigas na mabibili yun kesa pag usapan yan.  Hindi nyo cguro naiintindihan yun dahil hindi nyo nararanasan na mamroblema kung anong kakainin ng pamilya nyo kinabukasan.  Hindi lahat ng oras talino ang pinagmamayabang dahil pakikipag kapwa tao at pagiging sensitibo sa kalagayan ng mas maliit sayo parin ang mas mahalaga.

Hindi nyo na mabubura ang tatak ni Senator Sotto sa mga tao naka coverage ng media o hindi  marami ng taong tinulungan yan. (although hindi ako kasama dun). kayo ba meron na? meron na bang magsasabi na tinawid nyo at sinubukan mag reach out sa kalagayan ng ibang tao kesa magsalita at magsalita para sa ikababagsak ng ibang tao? anong buti idudulot nun sa pagkatao nyo? nakakadagdag ba sa laman ng utak nyo o nakakadagdag lang sa ego nyo.

ang mga tao talaga mas matalino mas walanghiya mas masama ang ugali.  Ang pinagkaiba nya lang sa mga asal kalye eh Ingles ang Salita nya pero kung tutuusin pareho ng gaspang ang ugali nila.  Durog an sa Media yung Senator gusto nyo pang Durugin at pahabain yan.  Panay pa painterview nyo, if ever toto yan sa loob nyo, gawin nyo without being interviewed by the Media, panay lang naman kayo pa interview eh. I can bet you no matter what you do kahit tumambling kayo a week or two hnd na kayo kilala ng tao.  Ako nga ni hnd ko na kayo matandaan eh.

Nakakainis kasi paulit ulit, ngayong iimbistigahan pa ng Ethics committee kanino n namang gastos yan? Sa taong bayan.  Taxpayer ako no kaya may pakialam ako.. gusto nyo ng 15minutes fame pera ng taumbayan gagamitin nyo.  nabigay nyo na point nyo at nasabi narin nasa saligang batas hnd pwedeng kundenahin ang opisyal ng gobyerno tungkol sa kanyang priviledge speech.

Sa sobrang talino kasi at sa sobrang taas ng mga tingin sa sarili nakakalimutan na ang mas importante.  maraming nagugutom na tao sa pilipinas..yun ang aksyunan nyo dahil yun ang mas importante kesa dyan.  imulat nyo mata nyo.

Hindi po ako pro Senator Sotto, i dont think binoto ko cya ever.  Pro RH ako dahil alam kong para sa ikabubuti yun ng kababaihan at lalong hnd ako nanonood ng eat bulaga kaya dont ever think im affiliated with him.

ANG AKIN LANG NAKAKASAWA NA..DAMI NYONG ISSUE PARA LANG MASABING MATALINO KAYO HINDI NYO RIN IKASISIKAT YAN.  MARAMING NAGUGUTOM SA MUNDO AT ALAM KO NA HINDI NYO KASALANAN YUN PERO SANA ISIPIN NYO PAG INIMBISTIGAHAN YAN PERA NG TAONG BAYAN GAGAMITIN DYAN BUTI KUNG SA INYO LANG.

ITULONG NYO KAYA YAN SA MAS NANGANGAILANGAN.  BAKA YANG FILING NYO NGA LANG MAGKANO NA INABOT ISANG LINGGONG PAGKAIN NA NG ORDINARYONG PAMILYA YAN. ISIPIN NYO NGA KAYA.